Pitacash
06.04.2026

Loan Myths Filipinos Still Believe

Alam mo ba na maraming Pilipino ang hindi kumukuha ng loan hindi dahil walang pera, kundi dahil takot sa mga bagay na hindi naman totoo? Ang ilan sa mga pinaniniwalaan natin tungkol sa utang ay gawa lang sa kwento ng mga nakaraang henerasyon, o sa mga narinig nating chika na hindi naman napatunayan. At habang tayo ay nanatiling naniniwala sa mga myth na ito, ang mga pagkakataon na sana ay makatulong sa atin ay lumilipas na lang.

Hindi lahat ng utang ay masama. Hindi rin lahat ng nagpapautang ay mapagsamantala. At hindi totoo na kailangan mong maging mayaman bago ka maging karapat-dapat sa loan. Tingnan natin ang mga pinakakaraniwang loan myths na pinaniniwalaan pa rin ng maraming Pilipino ngayon at ang totoong kwento sa likod nito.




01 MYTH

"Ang loan ay para lang sa mga desperado o walang pera."


Ito ang isa sa pinakamatandang saloobin, at siguradong narinig mo na ito sa
pamilya. Pero ang totoo, maraming may kaya na tao ang gumagamit ng loan para sa negosyo, para sa investment, o para pamahalaan ang cash flow nang mas epektibo. Ang loan ay financial tool, hindi palatandaan ng kahirapan.


Ginagamit ng mga negisyante ang loan para palakihin ang pera nila, hindi dahil kulang sila sa pera. 




02  MYTH

"Mas malaki ang interest rate mo kung mababa ang sweldo mo."


Hindi laging totoo ito. Ang interest rate ay nakabatay sa iba't ibang factors tulad ng credit history, uri ng loan, at ang lending company mismo hindi palagi ang suweldo. May mga legit na lender na nag-aalok ng maayos na rates kahit sa mga may limitadong income.


Ang magandang payment history ay mas malaki ang epekto sa interest rate kaysa sa halaga ng sweldo mo.


03  MYTH

"Pag nagka-loan ka, lagi kang may utang habambuhay."


Ang loan ay may takdang panahon ng bayad. Kapag naabot mo ang term at nabayaran mo na ito, tapos na, wala ka nang utang. Ang problema lang ay kapag hindi mo na handle nang tama ang budget mo, o kapag nagkukuha ka ng bagong loan bago matapos ang dati mong nauna na loan. Ang utang na walang katapusan ay desisyon, hindi default na resulta.


Ang loan na may malinaw na repayment plan ay may malinaw na katapusan.



04 MYTH


"Ang lahat ng online loan ay scam o mataas ang interest."


Totoo na may mga masasamang online lender, pero hindi ibig sabihin lahat ay ganoon. May mga lehitimong digital lending platform na nakarehistro sa BSP at SEC, transparent ang rates, at hindi nagtatago ng hidden charges. Ang susi ay ang pag-verify bago mag-apply  huwag lang mag-click ng kahit anong link.


Laging suriin kung BSP at SEC-registered ang lender bago mag-apply ng online loan.




05 MYTH

"Mas mabuti pa manghiram sa pamilya kaysa sa bangko o lender."


Hindi laging mas madali ang pamilya. Minsan, ang hihiramin mo ay nakakaapekto sa relasyon  lalo na kapag hindi agad nababayaran. Ang formal lending ay may malinaw na terms, walang emotional baggage, at mas structured ang proseso. Sa maraming kaso, mas maliwanag pa ang deal sa isang legit na lender kaysa sa kamag-anak.

Ang formal loan ay may kontrata. Ang pautang sa pamilya ay walang proteksyon para sa dalawang panig.



06 MYTH

"Hindi ka maaprubahan kung walang credit history."


Maraming lender ngayon, lalo na ang mga fintech at digital lending platform, ay gumagamit ng iba't ibang paraan para i-assess ang isang borrower kasama na ang employment status, income, at kahit social at transactional data. First-time borrower? May mga option para sa iyo. Hindi na kailangan ng mahabang credit record para makapagsimula.


Ang walang credit history ay hindi automatic na rejection sa lahat ng lender.


"Ang pinaka-mapanganib na bagay sa personal finance ay hindi ang utang mismo kundi ang maling kaalaman tungkol dito."


Kung ikaw ay isa sa mga Pilipino na nag-iisip pa kung ligtas ba mag-loan, o kung karapat-dapat ka ba, mayroon kang mapupuntahan. Ang Pitacash ay isang platform na dinisenyo para sa mga Pilipino na nangangailangan ng mabilis, transparent, at maayos na paraan ng pagkuha ng cash loan. Walang nakakalitong terms. Walang nakakahiyang proseso. Direkta sa punto tulad ng dapat.


Dahil ang tamang impormasyon at ang tamang lender ay magkasamang nakakatulong sa iyo na magtake ng mas magandang desisyon para sa iyong pera.