Pitacash
April 14, 2026

Borrower Rights Every Filipino Should Know

Mga Borrower Rights na Dapat Mong Alam

1. Karapatan sa Transparent na Terms
Bago ka mag-loan, may karapatan kang malaman lahat ang detalye nito at hindi lang yung amount na makukuha mo at kasama dito ang interest rate, fees, due dates, at kabuuang babayaran mo.


Kung may part na hindi malinaw o parang may kulang, puwede kang magtanong muna bago mag-confirm. Hindi ka dapat pinapapirma o pinapa-agree nang hindi mo fully naiintindihan.


2. Karapatan sa Tamang Paraan ng Paniningil
Normal lang na may mag-follow up kapag may due ka, pero dapat maayos ang approach. Hindi ka dapat minamadali, sinisigawan, o pinapressure sa paraan na nakakastress.


May tamang oras at paraan ng pakikipag-communicate ang lenders, at dapat respetado ka kahit may utang ka.



3. Karapatan sa Privacy
Ang personal information mo ay para lang sa loan process hindi ito puwedeng gamitin kung saan-saan.

Hindi dapat kinokontak ang pamilya, kaibigan, o contacts mo nang walang pahintulot mo. Kapag nangyari ito, posibleng lumalabag na sila sa privacy rules.



4. Karapatan Laban sa Pananakot o Pangha-harass
Kapag ang paniningil ay may kasamang pagbabanta, pananakot, o paulit-ulit na pangungulit, hindi na ito tama.


Hindi ka dapat takutin para lang makapagbayad. Ang tamang proseso ay nakabase sa communication, hindi sa intimidation.


5. Karapatan sa Makatarungang Pagtrato
Kahit may utang ka, hindi ibig sabihin nawawala na ang respeto sa’yo.
May karapatan kang tratuhin nang maayos, malinaw kausap, at hindi binabalewala kapag may tanong o concern ka sa loan mo.


Ano ang Dapat Mong Tandaan

Ang loan ay isang financial tool, hindi kapalit ng karapatan mo. Kaya mahalaga na alam mo kung saan ang tama at mali sa proseso ng lending para maiwasan ang abuso at stress.

Kapag alam mo ang karapatan mo, mas nagiging confident ka sa paghawak ng finances mo. 

Hindi ka basta-basta natatakot, at mas nagiging malinaw kung kailan tama na ang proseso at kailan hindi na.

Sa Pitacash, pinapahalagahan namin ang ganitong klaseng experience. Hindi lang tungkol sa pag-loan, kundi sa pagkakaroon ng platform na puwede mong lapitan kapag kailangan mo ng maayos at respetadong kausap pagdating sa finances mo.

Kung gusto mo ng mas malinaw at direct na way para simulan ang iyong application o malaman kung ano ang bagay sa’yo, maaari mong i-download ang Pitacash app  para mas madali mong maunawaan ang options mo bago ka mag-decide.

About the author

Avatar

Kristine

Social Media Manager

A professional writer specializing in educational and digital content. Her work aims to make complex ideas easier to understand through clear, engaging, and well-structured storytelling.

A professional writer specializing in educational and digital content. Her work aims to make complex ideas easier to understand through clear, engaging, and well-structured storytelling.

More articles

How Fast Loan Approvals Actually Work
Hindi lang “click and approve” ang mabilis na loan approval dahil may proseso sa likod nito na hindi alam ng karamihan.
April 17, 2026
Loan Extension Available in Pitacash
May option na sa Pitacash para i-extend ang due date ng loan mo kapag hindi pa kaya ng budget.
April 16, 2026
Step na Madalas Nalalaktawan Bago Mag-loan
Bago ka mag-loan, may isang step na madalas nilalaktawan at dito kadalasang nagsisimula ang hirap sa pagbabayad. Alamin kung ano ito.
April 21, 2026
Loan Repayment Tips for Beginners
Kung first time mong magbayad ng loan, ito ang mga simpleng tips para hindi ka ma-stress at mas maging maayos ang repayment mo.
April 20, 2026
Bakit Yung Iba Hindi Nagpapanic Kahit Malapit na ang Due Date?
Kapag malapit na ang due date, bakit may mga borrowers na kalmado lang. May ginagawa ba silang iba na hindi napapansin ng karamihan?
April 23, 2026