Pitacash
April 13, 2026

Fair Debt Collection

Kapag may utang ka, normal lang na may maningil.

Pero ang hindi alam ng marami hindi lahat ng paraan ng paniningil ay tama o legal. May mga pagkakataon na lumalagpas na ito sa respeto at nagiging harassment na.

Bilang borrower, hindi ka lang may obligasyon dahil may karapatan ka rin na protektahan ang sarili mo.


Ano ang Fair Debt Collection

Ang fair debt collection ay ang tamang paraan ng paniningil na may respeto, malinaw, at hindi nananakot.

Ibig sabihin, puwedeng mag-follow up ang lender pero dapat ito ay ginagawa sa maayos na paraan, hindi sa pamamagitan ng pressure o pananakot.



Mga Hindi Dapat Ginagawa ng Lenders

1. Paulit-ulit na Tawag o Message Kahit Disoras
Ayon sa mga patakaran sa fair debt collection sa Pilipinas, ang paniningil ay dapat gawin lamang sa reasonable hours, karaniwang nasa pagitan ng 6:00 AM hanggang 10:00 PM.

Ang pagtawag o pag-message bago mag-6 AM o lampas 10 PM ay hindi pinapayagan, maliban na lang kung may malinaw na pahintulot ang borrower na kontakin siya sa ganitong oras.

2. Pananakot o Paggamit ng Harsh na Salita
Hindi ka dapat takutin o i-pressure gamit ang masasakit na salita o pagbabanta. Hindi ito bahagi ng tamang collection process.


3. Pag-contact sa Ibang Tao Nang Walang Consent
Ang pag-message sa pamilya, kaibigan, o contacts mo nang walang pahintulot ay isang malaking red flag at hindi tamang practice.


4. Pagbabanta ng Public Shaming
Walang sinumang lender ang may karapatan na ipahiya ka online o gamitin ang personal mong impormasyon laban sa’yo.



Ano ang Puwede Mong Gawin

Kung nakakaranas ka ng ganito, mahalagang:

  • I-save ang lahat ng messages at calls bilang ebidensya

  • Huwag magpadala sa pressure o pananakot

  • I-report ang lender kung lumalabag na sa tamang proseso

Mas mahalaga ang proteksyon mo kaysa sa takot na dulot ng harassment.


Ang utang ay responsibilidad pero hindi ito lisensya para abusuhin ka. May tamang paraan ng paniningil, at may limitasyon ito na dapat sundin.

Sa Pitacash, malinaw ang approach sa borrowers: may respeto sa bawat interaction at may hangganan ang collection process. Dahil sa realidad, mas nagiging maayos ang pagbayad kapag may tamang usapan hindi kapag may takot

About the author

Avatar

Kristine

Social Media Manager

A professional writer specializing in educational and digital content. Her work aims to make complex ideas easier to understand through clear, engaging, and well-structured storytelling.

A professional writer specializing in educational and digital content. Her work aims to make complex ideas easier to understand through clear, engaging, and well-structured storytelling.

More articles

How Fast Loan Approvals Actually Work
Hindi lang “click and approve” ang mabilis na loan approval dahil may proseso sa likod nito na hindi alam ng karamihan.
April 17, 2026
Loan Extension Available in Pitacash
May option na sa Pitacash para i-extend ang due date ng loan mo kapag hindi pa kaya ng budget.
April 16, 2026
Step na Madalas Nalalaktawan Bago Mag-loan
Bago ka mag-loan, may isang step na madalas nilalaktawan at dito kadalasang nagsisimula ang hirap sa pagbabayad. Alamin kung ano ito.
April 21, 2026
Borrower Rights Every Filipino Should Know
May karapatan ka bilang borrower pero alam mo ba kung ano-ano ito at kailan mo siya puwedeng gamitin?
April 14, 2026
Loan Repayment Tips for Beginners
Kung first time mong magbayad ng loan, ito ang mga simpleng tips para hindi ka ma-stress at mas maging maayos ang repayment mo.
April 20, 2026