Pitacash
10.04.2026

Minimum Salary Requirement para sa Online Loans sa Pilipinas

Maraming nag-aakala na kailangan mo ng malaking sweldo para ma-approve sa online loan.

Pero sa totoo lang, hindi lang salary ang basehan. May mga pagkakataon na kahit hindi kalakihan ang income, puwede ka pa ring ma-approve at may mga mataas ang sahod pero nade-delay o nare-reject pa rin.

Ibig sabihin, may ibang factors na mas importante kaysa sa simpleng halaga ng sweldo.


May Minimum Salary Requirement ba Talaga?

Sa karamihan ng online loan platforms, may minimum income guideline, pero hindi ito laging fixed o pare-pareho.

Ang mas tinitingnan ay kung kaya mong bayaran ang loan base sa income mo. Hindi kailangan mataas agad ang importante ay stable at may consistency ang source ng kita mo.

Ano ang Mas Tinitingnan Bukod sa Salary

1. Consistency ng Income
Mas importante kung regular ang pasok ng pera kaysa sa laki nito. Kahit hindi kalakihan, basta steady, mas mataas ang chance na ma-approve.

2. Tamang Impormasyon sa Application
Maraming nadedelay dahil sa mali o kulang na details. Kahit okay ang income mo, kung hindi tugma ang impormasyon, puwedeng magkaroon ng issue sa verification.


3. Loan Amount na Ina-applyan
Kung masyadong mataas ang amount kumpara sa income mo, puwedeng maging reason ito para ma-decline o ma-adjust ang offer.


Mas safe kung aligned ang hinihingi mong loan sa capacity mong magbayad.


4. Overall Risk Assessment ng System
Tinitingnan din ng system ang kabuuang profile mo hindi lang sahod. Kasama dito ang behavior sa application at iba pang data na ginagamit para ma-evaluate ang risk.


Paano Mapataas ang Chance ng Approval

  • Siguraduhing tama at kumpleto ang impormasyon

  • Piliin ang loan amount na kaya mong bayaran

  • Iwasan ang errors sa documents at verification

  • Gumamit ng active at valid na contact details

Simple steps, pero malaking epekto sa result ng application mo.


Hindi pala “magkano ang sweldo mo” ang pinaka-importanteng tanong kundi kung gaano ka ka-consistent at kaayos sa pag-manage nito.

Sa Pitacash, hindi lang salary ang basehan ng evaluation. Tinitingnan ang kabuuang profile para mas maging realistic ang approval at mas tumugma sa kakayahan mong magbayad. Kaya mas nagiging practical ang pag-loan hindi naka-base sa laki ng kita, kundi sa kung paano mo ito hinahawakan.