Karamihan, kapag kailangan ng pera, diretso apply agad ng online loan. Walang masama doon lalo na kung urgent.
Pero ang hindi napapansin ng marami, hindi sa pagkuha ng loan nagkakaproblema… kundi sa nangyari bago pa sila nag-apply.
May isang simpleng step na kadalasang nilalaktawan at yun ang nagiging dahilan kung bakit nahihirapan sa repayment.
Ano ang Step na Madalas Nakakaligtaan?
Simple lang: pag-check kung kaya mong bayaran ang loan sa actual mong budget.
Hindi lang ito “feeling” na kaya mo dahil kailangan na malinaw kung saan talaga manggagaling ang pambayad at kailan mo ito makukuha.
Bakit Ito Importante?
1. Dito Nakabase ang Buong Repayment Mo
Kung hindi mo ito na-plan bago mag-loan, doon ka mag-aadjust kapag due date na.
At kadalasan, doon na pumapasok ang stress, delay, o paghanap ng ibang paraan para makabayad.
2. Hindi Lahat ng Income Pare-pareho ang Timing
Minsan may sweldo, minsan delayed, minsan may biglang gastos.
Kung hindi mo ito kino-consider bago mag-loan, posibleng hindi tugma ang due date sa actual na cash flow mo.
3. Mas Nakakaiwas Ka sa “Pilit na Bayad”
Kapag malinaw sa’yo ang budget mo, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo magbayad kung kulang talaga.
Mas nagiging controlled ang situation, hindi ka naghahabol.
Paano Gawin Ito sa Simpleng Paraan?
Hindi kailangan maging magulo. Tanungin mo lang sarili mo:
May nakalaan na ba akong pambayad?
Kailan papasok ang pera ko?
Tugma ba ito sa due date ng loan?
Kung malinaw ang sagot mo dito, mas prepared ka na mag-loan nang hindi nagiging pabigat ang repayment.
Hindi lahat ng problema sa loan nagsisimula sa application dahil madalas, sa preparation talaga. Kapag alam mo na kung paano gagalaw ang pera mo, mas nagiging maayos ang buong proseso.
Sa Pitacash, makikita mo agad ang loan details, terms, at due dates bago ka mag-confirm, kaya mas madali mong ma-check kung tugma ito sa budget mo. At kung sakaling dumating sa point na hindi pa aligned ang timing ng pera mo, habang nasa app ka at chine-check ang due mo, may option ka ring makita para mag-adjust ng payment schedule.
Sa ganitong paraan, hindi ka napipilit mas napaplano mo ang bayad base sa totoong sitwasyon mo.