Kapag may unpaid loan, normal na may collection process.
Pero may importanteng distinction:
May karapatan ang lender na maningil, pero hindi ibig sabihin na unlimited ang paraan ng paniningil.
Sa Pilipinas, may rules laban sa unfair debt collection practices ng lending at financing companies.
Ang lender o authorized collection agent ay maaaring gumamit ng reasonable at legally permissible means para makolekta ang amount na due.
Ibig sabihin, puwedeng:
mag-send ng payment reminders;
makipag-communicate tungkol sa outstanding balance;
magbigay ng payment instructions;
makipag-usap tungkol sa available payment arrangements, kung applicable.
Ang goal ay ma-resolve ang unpaid obligation not to intimidate the borrower.
Dito nagiging important ang borrower awareness.
Collection practices should not involve harassment, threats, insults, or abusive behavior. For BSP-supervised financial institutions, regulations also require fair and reasonable treatment and prohibit abusive collection or debt recovery practices.
Hindi rin ibig sabihin na dahil may atraso ang borrower, puwede nang gamitin ang personal information niya sa paraang abusive o improper.
May utang ang borrower, pero may dignity at privacy rights pa rin siya.
Knowing your rights does not mean ignoring your obligation.
Kung may unpaid loan, mas magandang:
1. I-check ang actual balance.
Alamin kung magkano talaga ang due.
2. Makipag-communicate sa official lender.
Huwag iwasan ang concern kung may paraan para maayos ito.
3. Itago ang records.
Screenshots, messages, receipts, at payment confirmations can help if may dispute.
4. I-report ang abusive behavior.
Kung tingin mong unfair ang collection practice, gamitin muna ang official complaint channel ng financial service provider. For BSP-supervised institutions, may consumer assistance mechanism para sa complaints.
Ang responsible debt collection ay hindi dapat tungkol sa pagpapahiya o pananakot.
Dapat malinaw ang amount due, payment process, at available next steps.
Para rin sa borrowers, ang best response sa collection concern ay hindi panic at hindi rin pag-iwas.
Alamin ang balance. Alamin ang rights. Makipag-usap sa tamang channel.
Kung may loan ka, responsibility mong bayaran ito.
Pero kung may naniningil sa'yo, responsibility din ng lender o collection agent na sundin ang applicable rules.
Ang pagkakaroon ng utang ay hindi pagkawala ng karapatan.
More articles