Pitacash
March 27, 2026

What to Do if Harassed by Illegal Lenders

May mga sitwasyon na hindi lang simpleng paniningil ang nangyayari lalo na sa mga scam na loan apps dahil may umaabot na sa pananakot, pangha-harass, at pressure na lampas na sa tama.

Kung nakakaranas ka ng ganito mula sa isang lender, mahalagang malaman: hindi lahat ng ginagawa nila ay legal. At higit sa lahat, may karapatan ka bilang borrower.


Ano ang Itinuturing na Harassment

Hindi lahat ng follow-up ay harassment. Pero nagiging mali na ito kapag:

  • Paulit-ulit na tawag o messages kahit lapgas alas 10:00 na ng gabi

  • Pananakot o paggamit ng harsh na salita

  • Pag-contact sa pamilya o contacts mo nang walang consent

  • Pagbabanta na ipapahiya ka online o sa social media

Kapag ganito na ang approach, lumalagpas na ito sa tamang proseso ng paniningil.

Ano ang Dapat Mong Gawin

1. Huwag Matakot at Huwag Magpadala sa Pressure
Ang goal ng harassment ay takutin ka para magbayad agad. Pero tandaan, hindi nila puwedeng abusuhin ang sitwasyon mo.


2. I-document ang Lahat ng Ebidensya
I-save ang messages, tawag logs, screenshots, at anumang proof ng harassment. Mahalaga ito kung kakailanganin mong mag-report.


3. Iwasan ang Direktang Pakikipag-away
Mas okay na manatiling kalmado at huwag patulan ang aggressive na approach. Mas lalong lumalala ang situation kapag pinatulan mo ang tono nila.


4. I-report ang Illegal Lender
Kung malinaw na harassment na ang ginagawa, puwede mo itong i-report sa tamang authorities o platforms para maimbestigahan.


5. Maghanap ng Legit na Financial Support
Kung ang dahilan ng pag-loan ay emergency, mas makakatulong ang paglapit sa maayos at transparent na lending platforms kaysa sa illegal lenders.

Hindi dapat maging kapalit ng financial help ang stress at takot. May tamang paraan ng pag-loan at may tamang paraan din ng paniningil.

Sa PitaCash, malinaw ang proseso at may respeto sa borrowers sa bawat hakbang. Dito, hindi ka kailanman tatakutin o i-pressure dahil lahat ay dumadaan sa tamang sistema.

Kung kailangan mo ng financial support, I-download ang PitaCash dahil mas kampante ka kapag alam mong ang kausap mo ay lehitimo, maayos, at sumusunod sa batas.


About the author

Avatar

Kristine

Social Media Manager

A professional writer specializing in educational and digital content. Her work aims to make complex ideas easier to understand through clear, engaging, and well-structured storytelling.

A professional writer specializing in educational and digital content. Her work aims to make complex ideas easier to understand through clear, engaging, and well-structured storytelling.

More articles

Small Business Loan Mistakes
May mga loan na nagpapalago ng negosyo at meron ding unti-unting sumisira dito. Alam mo ba kung alin ang ginagawa mo?
March 30, 2026
Adulting 101: Pagma-manage ng Bills Nang Hindi Naii-stress
Totoo bang normal na maubusan ng pera bago pa mag-sweldo? Syempre hindi. Kaya ngayon palang, siguraduhin mo nang makagawa ng paraan para mabago ito.
April 7, 2026
April Fools: Mga “Too Good to Be True” Loan Offers na Dapat Iwasan
Mukhang panalo sa simula pero bakit karamihan sa ganitong loan offers, sa huli nagiging problema?
April 1, 2026
Loan Myths Filipinos Still Believe
Ang utang ba ay talagang masama? O baka ang maling impormasyon ang mas mapanganib? May mga naniniwala pa rin sa mga bagay na matagal nang mali at patuloy itong nagpapahirap sa maraming Pilipino na nangangailangan.
April 6, 2026
First Time Mag Loan Online? Ito ang Dapat Mong Asahan
Hindi lahat ng first-time loan ay smooth dahil may mga detalye na kapag hindi mo alam, puwede itong magdulot ng delay o dagdag gastos.
March 31, 2026