Ang loan ay puwedeng makatulong sa business pero depende kung paano ito gagamitin at babayaran.
Bago manghiram, i-check muna ang mga common pitfalls na ito.
Dapat alam mo kung saan mapupunta ang bawat peso.
Inventory ba? Equipment? Working capital?
Kung hindi malinaw ang purpose, mas madaling maubos ang loan nang walang direct benefit sa business.
Huwag loan amount lang ang tingnan.
Alamin ang interest, fees, due date, at total amount na kailangang bayaran.
Mas importante ang amount na lalabas sa cash flow kaysa sa amount na matatanggap mo.
Kung business loan ang kinuha, gamitin ito para sa business purpose.
Kapag pinaghahalo ang personal at business spending, mahirap malaman kung sapat ba talaga ang cash flow para sa repayment.
Huwag mag-loan base sa assumption na “babawi naman ’yan sa sales.”
Mas safe na may existing cash-flow plan at realistic estimate kung paano babayaran ang loan kahit hindi kasing taas ng expected ang sales.
Kung every month ay kulang ang business income, baka hindi loan ang tunay na solution.
Tingnan muna kung problema ito sa pricing, expenses, inventory, collections, o sales.
Ask yourself:
“Kailangan ko ba talaga ito?”
“Saan eksaktong gagamitin ang pera?”
“Magkano ang total repayment?”
“Kaya ba ito ng regular business cash flow?”
Kung eligible ka at may legitimate short-term business need, maaaring maging financing option ang PitaCash. Pero tulad ng anumang loan, mahalagang maintindihan muna ang terms at siguraduhing kaya ng business ang repayment bago manghiram.
Ang magandang business loan ay hindi lang mabilis makuha.
Dapat may clear purpose, realistic repayment plan, at business reason kung bakit kailangan ito.
Kasi ang hiniram na pera ay hindi dagdag income.
Isa itong responsibility na dapat may malinaw na balik at plano.
More articles