Kapag nag-loan ka, isa sa unang makikita mo ay ang interest rate.
Pero aminin natin na madalas, tinitingnan lang ito tapos move on agad. Hindi talaga iniintindi kung ano ang epekto nito sa babayaran mo.
Ang problema, dito nakasalalay kung magkano talaga ang total na ilalabas mong pera.
Ano nga ba ang Interest Rate?
Sa simpleng terms, ang interest rate ay dagdag na bayad kapalit ng paghiram mo ng pera.
Halimbawa, kung umutang ka ng ₱1,000 at may interest, hindi lang ₱1,000 ang ibabalik mo dahil may dagdag ito depende sa rate na naka-set.
Bakit Ito Mahalaga?
Hindi lang monthly payment ang dapat mong tignan.
Mas importante kung magkano ang total repayment at malaking factor dito ang interest rate.
2. Hindi Lahat ng Loan Pare-pareho
Kahit pareho ang amount na hiniram, puwedeng magkaiba ang total na babayaran depende sa interest.
Kaya importante na hindi lang “magkano ang makukuha mo,” kundi “magkano ang ibabalik mo.”
3. Mas Mahaba ang Term, Mas Malaki ang Interest
Kapag mas matagal mong babayaran ang loan, mas tumataas ang total interest na mababayaran mo.
Kaya dapat alam mo kung ano ang balance ng kaya mong bayaran at gaano katagal.
Paano Mo Ito Maiintindihan sa Mas Simpleng Paraan?
Tanungin mo lang sarili mo:
Magkano ang hihiramin ko?
Magkano ang total na ibabalik ko?
Magkano ang difference?
Yung difference na yun yun ang interest.
Kapag malinaw sa’yo ito, mas naiintindihan mo kung sulit ba ang loan o hindi.
Bakit Ito Madalas Hindi Napapansin?
Kasi karamihan, nakafocus sa approval at sa amount na makukuha.
Pero ang mas importanteng tanong ay kung paano ito babayaran at gaano kalaki ang dagdag na babayaran mo over time.
Ang interest rate ay hindi lang number sa screen dabil ito ang basehan kung gaano kabigat o gaano ka-manageable ang loan mo.
Sa Pitacash, malinaw na ipinapakita sa app ang breakdown ng loan mo mula amount hanggang sa total na babayaran kaya mas naiintindihan mo kung saan napupunta ang bawat halaga.
At habang minamanage mo ang repayment mo, makikita mo rin sa app ang options para i-adjust ang timing ng bayad kung kinakailangan. Dahil kapag malinaw sa’yo ang interest at may control ka sa repayment, mas nagiging practical at mas madaling i-handle ang loan mo sa totoong buhay.