Laging sinasabi: “Mag-ipon ka para sa emergency.”
Pero ang tanong magkano ba talaga?
Kasi kung tutuusin, hindi naman pare-pareho ang situation ng bawat tao. May iba na sapat na ang maliit na buffer, habang ang iba kailangan ng mas malaking safety net.
Magkano Ba Dapat ang Emergency Fund?
Common advice ay mag-ipon ng 3 to 6 months ng basic expenses.
Ibig sabihin, kung ang monthly gastos mo ay ₱15,000, ideally may ₱45,000 to ₱90,000 kang naka-ready para sa emergencies.
Pero real talk dahil hindi ito kailangang makumpleto agad. Mas importante na nagsisimula ka at may naka-set na target.
Ano ang Dapat I-consider?
Kung regular ang sweldo mo, puwedeng mas maliit ang emergency fund.
Pero kung irregular ang income (freelance, negosyo), mas okay na mas malaki ang buffer.
2. Ano ang Usual Mong Gastos
Hindi mo kailangan isama ang luho. Focus lang sa essentials tulad ng pagkain, bills, at rent.
Ito ang basehan ng emergency fund mo.
3. May Backup Ka Ba?
Kung may pamilya o ibang source ng support, puwedeng mas flexible ang savings mo.
Pero kung ikaw lang, mas importante na may sarili kang reserve.
Paano Kung Wala Ka Pang Sapat na Savings?
Dito madalas nagiging concern ng karamihan.
Hindi lahat may ready na emergency fund lalo na kung may biglaang gastos tulad ng medical, repair, o urgent needs.
Ang importante ay hindi ka mapipilit gumawa ng desisyon na mas makaka-apekto sa finances mo.
Hindi naman kailangan maging perfect agad ang emergency fund mo. Ang mahalaga, may awareness ka kung magkano ang kailangan mo at nagsisimula kang mag-build nito paunti-unti.
Pero sa reality, may mga pagkakataon na hindi mo pa naaabot ang target mo at may emergency na dumating. Sa ganitong sitwasyon, importante na may maaasahan kang support na hindi komplikado.
Sa Pitacash, puwede kang magkaroon ng mabilis na access sa funds kapag kailangan mo lalo na sa mga hindi inaasahang gastos. At habang minamanage mo ang repayment mo, makikita mo rin sa app ang options para i-adjust ang timing ng bayad kung kinakailangan.
Sa ganitong paraan, kahit hindi pa buo ang emergency fund mo, may backup ka na puwedeng tumulong habang inaayos mo pa ang finances mo.