Pitacash
March 26, 2026

Good Loan vs Bad Loan Explained

Hindi lahat ng utang ay problema. Sa totoo lang, may mga loan na puwedeng makatulong sa pag-angat ng financial situation mo at meron ding kabaliktaran na lalo kang ilulubog sa gastos.

Ang pinagkakaiba? Ang pinagkakaiba dito ay hindi lang sa amount o interest kundi sa paano at saan mo ginagamit ang loan.

Ano ang Good Loan?

Ang good loan ay utang na may malinaw na purpose at may balik na value sa’yo. Ibig sabihin, hindi lang siya gastos dahil may potential siyang makatulong sa income, stability, o long-term goals mo.

Halimbawa:

  • Loan para sa maliit na negosyo

  • Pang-emergency na may planong bayaran

  • Investment sa skills o kagamitan na magagamit sa trabaho

Sa madaling salita, ang good loan ay kontrolado, may plano, at may direksyon.

Ano ang Bad Loan?

Ang bad loan naman ay utang na walang malinaw na purpose o hindi kayang bayaran nang maayos.

Karaniwang nangyayari ito kapag:

  • Nangutang para sa impulse spending (luho, gadgets, etc.)

  • Walang plano kung saan kukunin ang pambayad

  • Paulit-ulit na pag-loan para lang pambayad ng existing na utang

Dito nagsisimula ang cycle ng stress kasi imbes na makatulong, lalo lang lumalaki ang financial burden.

Paano Malalaman Kung Good or Bad ang Loan Mo

Bago ka mag-loan, itanong mo ito sa sarili mo:

  • May malinaw ba akong dahilan kung bakit ako uutang?

  • May plano ba ako kung paano ko ito babayaran?

  • Makakatulong ba ito sa financial situation ko o dagdag problema lang?

Kung “oo” ang sagot sa unang dalawa at may benefit sa’yo, malamang nasa good loan side ka. Kung hindi, baka kailangan mong mag-pause at mag-isip ulit.


Ang loan ay hindi kalaban. Ito ay nagiging problema lang kapag hindi ginagamit nang tama.

Sa Pitacash, layunin naming gawing mas malinaw at simple ang pag-loan para sa borrowers. May transparency sa terms at proseso, para mas madali mong makita kung ang kukunin mong loan ay makakatulong sa’yo  hindi makakadagdag sa problema.


About the author

Avatar

Kristine

Social Media Manager

A professional writer specializing in educational and digital content. Her work aims to make complex ideas easier to understand through clear, engaging, and well-structured storytelling.

A professional writer specializing in educational and digital content. Her work aims to make complex ideas easier to understand through clear, engaging, and well-structured storytelling.

More articles

What to Do if Harassed by Illegal Lenders
Hindi lahat ng naniningil ay may karapatan. Kapag lumampas na sa limit ang paniningil, alam mo ba kung ano ang puwede mong gawin?
March 27, 2026
Small Business Loan Mistakes
May mga loan na nagpapalago ng negosyo at meron ding unti-unting sumisira dito. Alam mo ba kung alin ang ginagawa mo?
March 30, 2026
April Fools: Mga “Too Good to Be True” Loan Offers na Dapat Iwasan
Mukhang panalo sa simula pero bakit karamihan sa ganitong loan offers, sa huli nagiging problema?
April 1, 2026
Loan Myths Filipinos Still Believe
Ang utang ba ay talagang masama? O baka ang maling impormasyon ang mas mapanganib? May mga naniniwala pa rin sa mga bagay na matagal nang mali at patuloy itong nagpapahirap sa maraming Pilipino na nangangailangan.
April 6, 2026
First Time Mag Loan Online? Ito ang Dapat Mong Asahan
Hindi lahat ng first-time loan ay smooth dahil may mga detalye na kapag hindi mo alam, puwede itong magdulot ng delay o dagdag gastos.
March 31, 2026