Pitacash
March 10, 2026

How Inflation Affects Filipino Households

Napapansin mo ba na dati kasya na ang isang libo sa grocery, pero ngayon parang kulang pa? Kahit pareho lang naman ang sweldo, mas mabilis maubos ang pera. Ito ang isa sa pinaka malinaw na epekto ng inflation, unti-unti nitong binabago kung paano gumagastos, nagse-save, at nagpa-plano ang mga pamilyang Pilipino.

Hindi ito biglaang nangyayari. Tahimik lang itong pumapasok sa araw-araw na gastos hanggang mapansin mong mas mahirap nang mag-budget kaysa dati.


Bakit Tumataas ang Gastos Kahit Pareho ang Income

Kapag tumataas ang presyo ng pagkain, pamasahe, utilities, at renta, bumababa ang buying power ng pera mo. Ibig sabihin, mas kaunti na lang ang mabibili ng parehong halaga kumpara noon.

Para sa maraming households, nagiging mas mahirap maglaan para sa savings o emergency fund dahil halos napupunta lahat sa basic needs.


Mga Karaniwang Epekto nito sa Pamilyang PilipinoHindi lang grocery ang naapektuhan.

Madalas nagkakaroon ng:

  • pag-adjust ng weekly food budget

  • delayed bill payments

  • bawas sa leisure o personal expenses

  • pagkuha ng short-term financial support kapag may emergency

Kapag sabay-sabay ang gastos, mabilis talagang maubos ang prepared na budget.

Paano Mag-Adjust Kapag Mataas ang Inflation

Hindi kontrolado ng isang pamilya ang presyo sa market, pero may control pa rin sa paraan ng pag-manage ng pera.

Dito makakatulong ang pag-track ng daily expenses kahit maliit, pag-prioritize ng needs kaysa wants, pagbuo ng maliit na emergency buffer kahit paunti-unti.

Hindi kailangang perfect agad ang budgeting. Consistency ang mas mahalaga.

Kapag tumataas ang presyo ng bilihin, mas mabilis maubos kahit maayos ang budget. At kapag may emergency pa, doon talaga nagkakaroon ng financial gap. Kung kailangan mo ng pansamantalang tulong para makatawid habang inaayos ang finances mo, nandito si Pitacash para sumuporta para hindi mapahinto ang plano mo dahil lang sa isang biglaang gastos.

About the author

Avatar

Kristine

Social Media Manager

A professional writer specializing in educational and digital content. Her work aims to make complex ideas easier to understand through clear, engaging, and well-structured storytelling.

A professional writer specializing in educational and digital content. Her work aims to make complex ideas easier to understand through clear, engaging, and well-structured storytelling.

More articles

Small Money Habits That Quietly Build Savings Over Time
Hindi mo mapapansin, pero may mga maliliit na habits na unti-unting kumakain sa pera mo o puwedeng magpalaki ng ipon mo kung mababago mo lang ang mga ito.
March 18, 2026
Mga Signs na safe ang loan app
May online loan apps na mukhang legit, pero paano mo malalaman kung talagang safe at maaasahan ito bago ka mag-apply?
March 13, 2026
How Pitacash Ensures Fast and Hassle-Free Loan Approvals
Kapag emergency, bawat segundo mahalaga kaya paano nga ba talaga naaaprubahan agad ang loans sa Pitacash at bakit ito pinagkakatiwalaan ng maraming Pilipino?
March 11, 2026
Loan Mistakes Filipinos Should Avoid
Minsan hindi interest ang problema kundi ang maliliit na pagkakamali na ginagawa bago pa ma-approve ang loan. Ito ang mga loan mistakes na madalas hindi napapansin ng maraming borrowers.
March 12, 2026